Monday, 30 March 2009

Sa Aking Pag-iisa

Madalas ako'y nag-iisa at hindi malaman kung ano ang gagawin.

Madalas ika'y sumasagi sa aking isipan at aking napagtatanto kung ano ba itong nangyayari sa akin.

Ngayon ako'y sumusulat sa ibang wika upang ito ay maging isang malaking misteryo na kailanman hindi mo mauunawaan. Hiling ko lang na huwag ka nang mabahala pang tuklasin kung ano ang aking ibig sabihin.

Ako ngayon ay nag-iisa at hindi malaman kung paano magsisimula sa aking mga gawain. Ngayon ako'y tila isang magnet na hindi mawalay sa kompyuter na ito.

Ngayon wala na akong maisip. Nais ko nang masimulan ang aking sanaysay sa Ingles at ang aking mga gawain sa Sipnayan, Pisika at Kemistri.

Hanggang sa muli. :)) Ingat

2 comments:

OnlyGabstaz said...

English plz ^^ haha

trizzi said...

lol datss the main purpose of writing in Tagalog.. for u to not understand it..HAHAHAHA